“Tell all our kids… I love them. I love you so much, hubby. Ikaw ang pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay ko.” “Ashnea, don’t you dare talk that way!” ninenerbiyos nang saad ni Marcus habang tumatakbo palabas ng silid na kinaroroonan niya. “Mahal na mahal kita, Marcus. Walang araw na hindi ako naging masaya sa piling mo.” Tuluyan nang nabasag ang boses ni Ashnea. “Stop it! You will survive that! I’m coming to get you, okay?” nagmamadali si Marcus. Nagulat pa ang mga bodyguards sa nakita nilang pagmamadali at pagkataranta sa mukha ni Marcus. “Get the fastest car,” utos niya sa head security. “Tumawag sa station at ipahanda ang helicopter, now!” sigaw niya. Walang tanong-tanong at agad na gumalaw ang lahat. Mabilis namang sinunod ng mga tauhan ang utos ni Marcus. Biglang sumiga

