Chapter 76 Disastrous-3

703 Words

Ang airbag ay nakalabas na at may bahid na rin ng dugo mula sa mga nakasakay sa harapan. Ang isang bodyguard ay nakahandusay na at walang malay. Si Allan ay nakasandal sa manibela, may dugo sa gilid ng mukha. Sa backseat… Nakahilig si Ashnea sa gilid ng upuan. Ang buhok niya ay nakatakip sa mukha niya. May maliit na hiwa sa gilid ng noo niya kung saan dumadaloy ang dugo pababa sa pisngi niya. Ang phone niya ay nahulog sa sahig ng sasakyan. Ang screen nito ay basag na basag, pero bukas pa rin. Nandoon pa rin sa call log ang pangalan ni Marcus. Unti-unting bumagal ang paghinga ni Ashnea. Ang dibdib niya ay mahina nang umaangat at bumababa. Sa malayong taas ng bangin, naririnig na ang mga sirena. May paparating na rescue team. Pero sa ilalim ng mga puno, sa pagitan ng mga bato at durog

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD