Doon nagsimulang lumaki ang usapan online. Sa bangin naman, ang rescue team ng siyudad ay kararating pa lang nang marinig nila ang malakas na ugong ng helicopter. Napatingala ang lahat. Isang sleek black rescue helicopter ang mabilis na lumapag sa malapit na clearing. Sa gilid nito ay malinaw na nakalagay ang logo ng Del Mundo Airlines. “Sir Marcus Aguilar’s private rescue unit,” bulong ng isang rescuer. “Ang bilis…” bulalas ng isa pa. “Hindi na nakapagtataka. Kumpleto sila ng lahat ng kailangang gamit,” saad naman ng isa. Hindi pa humihinto ang rotor ay tumalon na pababa ang fully equipped rescue team. May dala silang hydraulic cutters, rope harness systems, portable stabilizers at medical kits “Coordinates confirmed!” sigaw ng team leader. “Target vehicle located below!” Agad

