Aviona’s POV May 10:00 AM class ako at ayaw kong madagdagan pa ang problema ko sa attendance. Tahimik lang ang apartment habang naghahanda ako. Pero dam ko pa rin iyong kaba sa sinabi ni Kuya kanina. Hindi ko na alam ang gagawin para pagsabihan siya. Naririnig ko ang mahinang tunog ng electric fan at ang malayong ingay mula sa labas. Si Kuya Arvill ay nasa sofa, nakaupo lang at parang may kung anong pinapanood sa TV. Hindi ko gaanong pinansin. Inayos ko ang mga libro ko sa bag… notes ko sa forensic class, ballpen, notebook. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na maging normal ang araw ko kahit alam kong hindi na talaga magiging ganoon kadali. Huminga ako nang malalim. Focus, Aviona. Just go to school. Isinukbit ko na ang bag ko sa balikat ko at papunta na sana ako sa pinto nang bi

