Aviona’s POV Humahagulgol pa rin ako sa gitna ng sala. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang bigat ng dibdib ko. Parang may pumipiga sa puso ko sa bawat segundo na lumilipas. Tahimik lang si Kuya Arvill sa tapat ko. Hindi siya gumagalaw. Hindi siya nagsasalita. Para siyang estatwa na nakatayo sa tabi ng sofa habang patuloy na umaandar ang balita sa TV. “Rescue teams have successfully retrieved all passengers from the crashed vehicle…” Hindi ko gustong makinig. Pero hindi ko rin kayang isara ang tenga ko. “Lahat sila ay isinugod na kanina pa dito sa pinakamalapit na pagamutan…” Napayakap ako sa sarili ko habang umiiyak. “Please…” pabulong kong sabi. “Please, Lord, wala po sanang masamang mangyari sa kanila… lalo na po kay Tita Ashnea.” Hindi ko alam kung may karapatan pa ba akong

