“Mahal na mahal kita, Kuya… kahit buhay ko kaya kong ibigay para sa ‘yo. Pero kapag nalaman nila ang lahat… at alam kong malalaman nila kung sino ang may pakana sa nangyari, hinding-hindi nila tayo mapapatawad!” At sa unang pagkakataon… nakita kong mukhang tuluyang nanghina ang kuya ko. Dahil sa bigat ng kasalanan na ngayon lang niya talaga naramdaman at napagtanto. Habang ako… ay patuloy lang na umiiyak sa gitna ng apartment. Dahil alam kong mula ngayon… hindi na maibabalik pa ang mga buhay na nawala. Third Person POV Nang ganap na kumalma si Ashnea, naging tahimik ang buong silid. Naroon si Marcus sa tabi ng kama niya, hawak ang kaniyang kamay na parang ayaw na niya itong bitiwan pa. Sa paligid nila ay nakatayo pa rin ang apat nilang anak… sina Asher, Markie, Millerd, at Ashton na

