Si Allan. Ang matagal na nilang driver. Ang lalaking halos dalawang dekada nang kasama ng pamilya Aguilar. Napahagulgol si Ashnea. “Oh, God…” Nanginginig niyang tinakpan ang bibig niya. “Allan…” Unti-unti siyang itinulak palapit. Tinignan niya ang mukha ng lalaki. Tahimik at wala nang galaw. Lalo siyang napaiyak. “I’m so sorry…” Nanginginig ang boses niya habang inilalapit ang kamay sa braso nito. “Hindi ko kayo naprotektahan…” Pagkatapos ay sunod nilang tinignan ang tatlong bodyguards. Ang mga lalaking matagal nang nagbabantay sa kaniya sa bawat lakad niya. Na palaging nakahanda kung may panganib. Na sa huli… ibinigay ang buhay nila para iligtas siya. Hindi na napigilan ni Ashnea ang sarili. Napahagulgol siya habang nakayuko sa wheelchair. “I’m sorry…” “Patawarin ninyo ako…” Sa

