Chapter 80 Bewildered-1

715 Words

Aviona’s POV Pagkatapos ng sigawan namin ni Kuya, pakiramdam ko ay nauubos na ang hangin sa loob ng dibdib ko. Hindi na ako nagsalita pa. Tahimik akong bumalik sa kuwarto ko. Isinara ko ang pinto at sandaling sumandal doon habang nakapikit. Nanginginig pa rin ang buong katawan ko… hindi ko alam kung dahil sa galit, lungkot, o takot. O baka lahat na. Mabigat ang bawat hakbang ko papunta sa banyo. Binuksan ko ang shower at hinayaan ang malamig na tubig na bumuhos sa ulo ko. Pumikit ako habang dumadaloy iyon sa mukha ko, humahalo sa mga luha na hindi ko na naman napigilang tumulo. Kahit anong pilit kong pigilan… hindi ko talaga kayang tumigil sa pag-iyak. Pagkatapos maligo, nagsuot ako ng bagong damit. Simpleng t-shirt at jeans lang. Paglabas ko ng kuwarto, naamoy ko agad ang pagkain.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD