“Hindi mo pa nga nakikita ang anak natin…” Napahigpit ang hawak ko sa kumot. “Oh, God…” Hindi ko na kinaya. Napayuko ako habang tuluyang napahagulgol. “Kasalanan namin ‘to…” Halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses sa lakas ng iyak ko. Kung hindi dahil kay Kuya… kung hindi dahil sa paghihiganti niya… buhay pa sana ang mga lalaking iyon. May mga ama pa sana na mayayakap at mahahalikan ng kani-kaniyang mga anak at asawa sa kanilang mga pag-uwi. Sa labas ng kuwarto ko, biglang may kumatok nang malakas. “Aviona!” boses ni Kuya, puno ng pagmamakaawa ang tono niya. Hindi ako gumalaw. “Aviona, please… buksan mo ang pinto.” Pero patuloy lang ang pag-iyak ko. Hindi ko siya kayang harapin. Hindi ko kayang makita ang mukha niya. “Aviona, please…” mas mahina na ang boses niya ngayon

