Tinitingnan na raw ng otridad ngayon ang posibilidad na baka kaaway nila sa negosyo ang may gawa nito kung mapapatunayang hindi aksidente ang nangyari. Tahimik ang kuwarto habang nakatingin sila kay Ashnea na nakahiga sa kama. “Thank God you’re safe,” mahina ngunit puno ng emosyon na sabi ni Kristine habang hinahawakan ang kamay ng kaibigan. Ngumiti nang bahagya si Ashnea, kahit halata pa rin ang pagod sa mukha niya. “I’m still here,” mahinang sagot niya. “Pero hindi ko pa rin maiwasang isipin ang mga namatay dahil sa –” “Hey,” putol ni Raiza. “’yan ka na naman. Wala kang kasalanan doon.” “Tama!” sang-ayon ni Coleen. “Walang mangyayari kung patuloy mong sisisihin ang sarili mo.” “May tiwala ako na mahahanap din agad nina Marcus at Asher ang sinumang salarin kung sakali mang may foul

