“Wala akong pakialam! Pag-untugin ko pa sila ng abogado niya kung sakali!” asik niya. pansin kong nanlilisik na naman ang mga mata niya kaya hindi na ako nagsalita pa. Pagdating namin sa kanto ng apartment na tinutuluyan namin ni Kuya, huminto na siya. Hindi na kasi makakapasok sa eskinita ang sasakyan niya. “Nasaan banda rito ang bahay niyo?” tanong niya. Itinuro ko iyong up and down na building na kinaroroonan ng apartment. “Doon. Apartment lang ang tinutuluyan namin ni Kuya. Hindi pa namin kayang bumili ng sariling bahay… soon, kapag naka-graduate na ako.” Napalingon siya sa akin. “Nasaan ang mga magulang ninyo?” Doon parang may bumikig sa lalamunan ko. Iyan ang isang bagay na ayaw kong pag-usapan dahil magdudulot lang ng ibayong pait sa akin. “Ah, Ashton, salamat sa paghatid, ha

