Natawa siya. Tapos muling kinintalan ng mas maalab na halik ang mga labi ko. Mabilisan lang pero nakakatupok ng katinuan. “Nasa secluded road tayo kanina. Dito, siguradong may makakapansin sa sasakyan. Unless, gusto mong sumama sa akin.” Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Umiling ako. Hindi puwede. Alas-nuwebe ang klase ko bukas. “Ingat ka sa pag-uwi,” sabi ko na lang. Ngunit hindi pa rin nawawala ang init na binuhay niya sa katawan ko. Para ngang nararamdaman ko pa rin ang mga labi niya sa bibig ko. “Good night, Aviona!” hinaplos pa niya ang pisngi ko. “Good night, Ashton!” kumaway pa ako sa kaniya. Ngumiti at tumango lang siya sa akin. May nginig ang mga tuhod ko nang mag-umpisa na akong lumakad palayo. Nilingon ko pa siya. Nakatayo lang siya roon at pinapanood ako. Isang ngiti

