Umiiyak na rin siya, pero mabilis niyang pinahid ang mga luha niya. “Magtiis muna tayo, ha? Kapag umuwi tayo, saan tayo kukuha ng pagkain at pambaon sa school? Hindi pa naman ako puwedeng magtrabaho,” sagot niya. Pagkatapos ay magyayakapan kami. Ipaghehele niya ako hanggang sa makatulog ako. Tuwing gabi, magkatabi kaming natutulog ni Kuya sa manipis na kutson sa sahig. Minsan, maririnig ko siyang humihinga nang malalim, parang may kinakausap sa isip niya. “Tiis lang,” bulong niya sa akin isang gabi, mahina lang iyon pero narinig ko pa rin. “Aalis din tayo rito balang araw.” Hinawakan ko ang kamay niya, mahigpit. “Oo, Kuya,” sagot ko. “Naniniwala po ako sa iyo.” Minsang naghuhugas ako ng pinggan ay naganap ang bagay na nagsapanganib sa buhay ko. Nakatayo ako noon sa maliit na bangki

