Pero ang takot… matagal nang nakatanim sa puso ko. Nagtinginan ang doktor at ang isang nurse matapos suriin ang katawan ko. Kita ko sa mukha nila ang pagkabigla… at galit. “Hijo,” seryosong sabi ng doktor kay Kuya, “hindi po ito aksidente. Hindi rin ito simpleng pagkadulas o pagkakatumba. Binugbog ang kapatid mo.” “Grabe, sinong gagawa ng ganito sa isang napakaliit na bata?” tanong ng nurse. “Ang puti-puti pa naman niya kaya kitang-kita ang lahat ng latay at sugat.” Kita kong tumiim ang mga panga ni Kuya. “Ano pong ibig ninyong sabihin?” “Child abuse ang ganito,” diretso nitong sagot. “Kailangan naming i-report ito sa mga pulis.” Alam ni Kuya iyon kahit hindi sabihin ng doktor. Bumalatay pa nga ang mas matinding galit sa mukha niya. Pero bago pa siya makasagot… “Anong nangyayari ri

