Kahit ilang oras pa lang ang nakalipas mula nang huli kaming magkasama, may kung anong pamilyar na kaba na agad kong naramdaman. Hindi takot ang nararamdaman ko, kundi iyong kakaibang pagkasabik na ayaw ko pang aminin. Sumilip siya mula sa bintana at ngumiti nang makita ako. Napangiti rin ako at kumaway sa kaniya. Medyo stressed ako ngayong araw. Pero nang makita ko siya parang gumaan ang lahat. Bago ako sumakay, tinawagan ko muna si Kuya. “Kuya, medyo male-late po ako ng uwi ngayon. Pupunta ako kina Melody, birthday ni Tito Mon ngayon,” paliwanag ko. Medyo nakagat ko pa ang pang-ibabang labi sa pagsinungaling ko kay Kuya. May saglit na katahimikan sa kabilang linya bago siya sumagot. “Hindi rin ako makakauwi ng ilang araw, Avi. May biglaang trabaho sa Bacolod.” Nanikip ang dibdib ko

