Bumuka ang bibig ko. “Ha?” “Hindi nila alam na may ganito ako,” sabi niya, chill lang ang tono. “Hindi nila alam kung gaano kalaki ang kinikita ko. Wala silang alam na nakikipag-race ako. Dahil kapag nalaman nila, siguradong hindi sila papayag.” “Pero…” huminga ako nang malalim. “Bakit mo sinasabi sa akin ito ngayon?” Sandali siyang natahimik. Kita ko ang pag-iisip sa mga mata niya, parang tinitimbang kung ano ang sasabihin. “Dahil ikaw ang unang taong pinagkakatiwalaan ko maliban sa pamilya ko,” seryosong sagot niya sa huli. “I trust you, Aviona. I hope you won’t ruin that. Hindi ako basta-basta nagtitiwala, pero pinagkakatiwalaan kita.” Parang may kumalabog sa loob ng dibdib ko. Hindi dahil sa laki ng bahay na ito, o sa yaman na nakapaligid sa akin, kundi dahil sa tiwala niya. Baki

