Chapter 26 Relieved-2

721 Words

Mahigpit pa rin niyang hawak ang kamay ko, para bang may humabol at bawiin pa sa amin ang natitirang lakas namin. Hindi namin alam kung tatanggapin nila kami. Hindi namin alam kung may karapatan pa ba kaming kumatok. Pero desperado na kami. Mas nanaisin naming subukan, kaysa naman sa lansangan kami matulog. Huminto si Kuya sa harap ng gate. Kita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata niya. Napalunok siya bago kumatok… tatlong mahihinang katok, parang takot na takot siyang makagulo o makaistorbo. Ilang segundo lang ay bumukas ang pinto. Si Tita Noime ang bumungad. “Arvill?” gulat niyang sabi. “Aviona? Diyos ko, gabing-gabi na! Anong ginagawa niyo riyan?” Hindi na niya hinintay pa ang paliwanag namin. Hindi na niya tinanong kung bakit kami nandoon sa ganoong oras. Maluwang niyang binuksan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD