Pero hindi ganoon ang nangyari. Isang gabi, mahimbing na sana ang tulog ko nang marinig ko ang mababang boses ni Kuya mula sa sala. Bukas nang bahagya ang pinto ng kuwarto ko. Tahimik ang buong bahay, kaya malinaw kong narinig ang usapan nila ni Tito Albert. Bumangon ako at sumilip para malaman ang pinag-uusapan nila. “Sigurado ka ba, Arvill?” tanong ni Tito, may halong pag-aalala. “Puwede kang mag-enroll. Kami na muna ang bahala.” Saglit na katahimikan. “Magtratrabaho muna po ako,” sagot ni Kuya. Walang pag-aalinlangan sa boses niya. “Ako na po ang bahala sa kapatid ko. Marami na po kayong nagawa para sa amin ni Aviona. Gusto ko rin pong makabawi.” Mabilis na nanikip ang dibdib ko. Lumapit ako sa pinto, dahan-dahan, parang natatakot akong marinig pa ang susunod niyang sasabihin… p

