“I am so sorry for everything you’ve been through, Aviona,” mabigat na sambit niya. niyakap ako nang mahigpit at hinalik-halikan ang ulo ko. “Kaya huwag na huwag mo akong sasaktan, ha?” parang batang hiling ko sa kaniya. “Of course! Why would I hurt you? That’s impossible!” agad niyang tugon. Napangiti ako at yumakap din sa kaniya. Kanina lang ay napakabigat ng dibdib ko. Pero ngayon ay tila biglang gumaan. Salamat kay Ashton. Salamat sa presensya niya dahil unti-unti ay nailalabas ko na ang mga sama ng loob ko mula sa nakaraan. Tahimik ang paligid pagkatapos ng lahat ng sinabi ko. Parang bumagal ang oras. Nakatitig lang sa akin si Ashton, seryoso… wala iyong madalas na pilyong ngiti, wala ring biro sa mga mata niya. Para bang bawat salitang binitawan ko ay tumatak sa kaniya nang dire

