Hindi tuloy ako nakaimik at napakurap pa. Hindi ko kasi malaman kung nagbibiro ba siya o ano. Kaya napailing na lang ako. “Puro ka talaga kalokohan, eh!” inis na sagot ko. “May katulong ka naman na sa bahay at condo mo, ‘di ba?” “Hindi kita niloloko. I don’t like other people touching my things, especially my personal beloingings. Pero kapag ikaw, okay lang,” sabi niya. Seryoso pa rin ang tono niya. “And look, mas safe ka pa sa akin kasi hindi mo kailangang umuwi ng sobrnag gabi na,” dagdag pa niya. Bigla tuloy ay napapaisip ako. Sa totoo lang, matagal ko na ring gustong umalis sa bar. Kaya nga lang, iyon lang ang trabaho na puwede sa available na oras ko. “Aviona?” untag niya sa akin. Saglit na nahinto ang pag-iisip ko. Huminga ako nang malalim. “Pag-iisipan ko.” Kitang-kita ko ku

