Chapter 28 Peace Offering-1

708 Words

Paglabas ko ng bar, agad kong nakita ang pickup truck ni Ashton. Nandoon siya … pero hindi nag-iisa. Natigilan ako sa kinatatayuan ko. May kausap siyang babae. Maganda, maputi, makinis at mahaba ang buhok. Nakasuot ng hapit at seksing damit na parang walang pakialam sa lamig ng gabi. Tawang-tawa sila. Si Ashton ay nakasandal sa truck niya, relaxed, may ngiting bihira kong makita… iyong ngiting parang wala siyang iniintinding iba. Parang may kumirot sa dibdib ko. Bigla akong naging conscious sa suot ko, sa hitsura ko. Pagod na pagod ang buong katawan ko kaya siguradong ngarag ako ngayon. Para akong napahiya kahit wala naman akong ginagawang mali. Hindi niya ako nakita. Abala siya masyado doon sa kausap niya. Kaya imbes na lumapit, tumalikod ako. Diretso akong naglakad sa kabilang di

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD