Chapter 28 Peace Offering-2

712 Words

“Kuya, dire-diretso lang po,” pilit kong sabi kahit kumakabog na ang dibdib ko. Pero sa halip ay huminto ang taxi kaya napasinghap ako. Napatingin ako sa driver sa pinaghalong gulat at inis. “Kuya?” “Miss, pasensya na,” sabi niya, halatang takot na takot. “Ayaw ko pong mapahamak at madamay sa gulo ninyo. Mukhang galit na galit ’yong lalaki. Baka kung ano pa ang gawin niya. Pakiusap, bumaba na lang po kayo at mag-usap na lang kayo.” Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. “Kuya, please–” nanginginig ang boses ko ngayon. Umiling siya. “Hindi ko na po kaya. Natatakot na ako. May pamilya pa akong kailangang uwian, Miss. Mukha pa namang sanggano ang lalaking ‘yon.” Tahimik akong napapikit. Wala na akong choice. Huminga ako nang malalim, saka binuksan ang pinto. Pagkababa ko pa lang, a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD