Hanggang sa biglang nag-dim ang ilaw. Tumahimik ang tugtog. May kolektibong paghinga ang buong crowd… isang sandali ng paghihintay. Muling nagsalita ang host, mas mababa ang boses na parang mas sinasadya. “Ladies and gentlemen… para sa susunod na set… isang banda na matagal ninyong hinihintay.” Nagkagulo ang mga tao. May sumigaw ng pangalan. May halos mamilipit na sa kilig. Muling umalingawngaw ang boses ng host… mas mabagal na ngayon, mas sinasadya, parang alam niyang pinipigilan niya ang sabay-sabay na paghinga ng buong dome. “Ang susunod na aakyat sa entablado,” panimula niya, “ay hindi na bago sa Herald University.” Nag-echo ang boses niya sa malawak na kisame. “Back-to-back champions ng Battle of the Bands. Tatlong taon na silang hindi natitinag. Walang hindi tinalo… lahat din

