“Talaga? Naku, maselan sa mga gamit niya ‘yang si bossing. Kaya dapat, lagi kang maingat,” babala niya. Kumunot pa ang noo ko. Sinabi nga ni Ashton na ayaw niyang may ibang humihipo sa mga gamit niya. “Well, good luck sa akin.” Napalingon ako sa pinasukang pintuan ni Ashton kanina papunta sa backstage. “I am so excited, really!” narinig naming komento ng isang babae na nakakulay pink ng damit. Hapit na hapit sa kaniya ang suot niya. “Me, too!” sagot ng isa. “I hope he will sing, too! I am going to die hearing his beautiful voice.” “I would like to hear his sound when he rocks me wild in bed!” malanding sambit naman ng isa pang babae. Sino kaya ang pinag-uusapan nila at ganoon na lamang ang kilig at excitement nila. Concert o ano ba itong makikita namin dito? Naagaw ang pansin ng la

