“Don’t worry about anything, okay?” muli ay untag ni Ashton sa akin. Kaya naman may kung anong lumambot sa loob ko. Dahan-dahan kong tinanggap ang kamay niya. “Kapag napahiya ako,” sabi ko, medyo nagbibiro, “ikaw ang sisisihin ko.” Ngumiti siya. “No one can bully you here.” “Tama, Aviona!” biglang singit ni Bobby. “Magtiwala ka lang dito kay bossing. Siya ang hari dito!” “Hari?” pinandilatan ko si Bobby. “Sira ka talaga.” Napapailing na lang ako pero tumawa pa silang dalawa. Nagpatuloy kami sa paglalakad papasok sa campus. Sa bawat hakbang, unti-unting nawawala ang kaba ko… hindi dahil biglang naging pamilyar ang lugar, kundi dahil naririto si Ashton sa tabi ko. Just be yourself, Aviona. Paalala ko sa sarili. Pagdating namin sa indoor dome area ng Herald University, mas lalo kong

