Anuman ang sorpresa niya, gusto niya akong maging bahagi nito. At sa kabila ng kaba, hindi ko maiwasang ma-excite. Pagliko pa lang ng pickup sa isang malapad at tahimik na avenue, may kung anong bumigat sa dibdib ko. Malalawak ang kalsada. Malilinis. Halos walang ingay… ibang klase ng katahimikan, iyong may kasamang disiplina at karangyaan. Tumingin ako sa labas ng bintana at doon ko unang nasilayan ang mataas na pader na may eleganteng bakal na gate. Sa gitna nito, naka-ukit ang pangalan ng school: HERALD UNIVERSITY Nanlaki ang mga mata ko. “Wait…” mahina kong sambit, halos hindi ko namalayan na nasabi ko pala. “Dito?” Huminto ang sasakyan sa may guardhouse. May yumukong security personnel at magalang na tumango kay Ashton bago binuksan ang gate. Walang tanong. Walang anumang aber

