Biglang tahimik sandali si Ashton. Parang isang iglap na nawala ang pagbibiro niya. Kinabahan tuloy ako kasi sumeryoso ang mukha niya. Maging si Bobby nga ay nakatahimik lang din. “Aviona,” mahina at medyo namamaos ang boses niya nang muling magsalita. “Dinala kita rito kasi gusto kitang makasama.” Nag-init ang magkabilang pisngi ko sa sinabi niya. Ni hindi man lang niya naisip na may ibang tao rito… nandito si Bobby. “One thing more,” dugtong pa niya, sabay bahagyang ngumiti, “I am not yet confident that my family would appreciate me, doing this. Baka isipin lang nila na kalokohan itong mga ginagawa ko.” Tumikhim at alanganing tumawa si Bobby. “Wow. Deep. Kanina, rock star. Ngayon, philosopher naman.” “Damn!” binatukan ni Ashton si Bobby. “I’m serious here, badass!” “Ay, sorry, bos

