Third Person POV Huminto ang pickup ni Ashton sa gitna ng traffic. Kumunot ang noo niya sa pagtataka dahil tila nagkakagulo ang lahat sa may bandang unahan. Maingay ang mga busina at sigawan. Ang mga sasakyan at naka-hazard ang ilaw. At sa harapan, may mga firetruck na nakaabang. Umiikot ang mga pulang ilaw nito na parang babala ng isang bangungot na kasalukuyang nagaganap. “Move!” sigaw niya mula sa loob ng sasakyan, pero walang gumagalaw. Lumala ang traffic habang dumarami ang mga taong nagtatakbuhan papunta sa kanto kung nasaan ang bar na pinagtatrabahuhan ni Aviona. May mga taong nag-uusap sa gilid ng kalsada. May umiiyak. May kumukuha ng video. At saka niya narinig. “Nasusunog daw iyong bar sa dulo!” “Hindi ba class na bar ‘yon? Paanong nasunog?” tanong pa ng isa. Para namang

