Chapter 34 Danger-3

568 Words

Lalo pang naglagablab ang apoy. Totoong nakapapaso na at hindi ko na alam ang gagawin. May ilan na akong nakikitang nilamon na ng apoy ang mga suot nila. Hindi na ito parang sunog lang… ito ay isang buhay na halimaw na unti-unting lumalapit sa kinaroroonan ko. Naririnig ko ang lagitik ng mga nasusunog na kahoy, ang mga pumuputok na bote, ang pagbagsak ng kung anu-anong gamit. Ang init ay parang dumadampi na sa balat ko… masakit, nanunuot at walang awa. “U-Ugh…” napasinghap ako, napaatras hanggang sa dumikit ang likod ko sa pader. “Panginoong Diyos! Tulungan Niyo po ako. Please po…” hindi ko na napigilan ang maiyak. Ang kinaroroonan ko na lamang ang hindi pa tuluyang nilalamon ng apoy ngunit kaunti na lang at siguradong kasama na rin sa matutupok. May maitim na usok na lalong nagpa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD