Umupo si Ashton sa bangko, yumuko at ipinatong ang noo sa mga nakakuyom na kamao sa ibabaw ng tuhod niya. “Sir… anak pala ‘yan ni Marcus Aguilar. Pakawalan na lang natin. Malalagot tayo diyan,” narinig niyang bulong ng isang pulis. “Oo nga, Sir. Iyong kuya niyan, si Sir Asher, malupit ‘yon. Baka maging kuwento na lang tayong lahat bukas,” sang-ayon pa ng isa. “Mabubuting mga tao ang mga magulang niyan. I’m sure maiintindihan nila. Tatawagan ko ang daddy niya para–” “Hey!” agad na pigil ni Ashton. “You don’t need to call anyone. Just my lawyer.” Nagkatinginan ang mga pulis at halatang natigilan. Tila nag-iisip pa kung ano ang gagawin. “Sir,” tawag ng isang pulis matapos ang halos trenta minutos, “may dumating na abogado para kay Aguilar.” Tumayo agad si Ashton. Hindi niya inasahan

