Chapter 37 Dreadful-3

575 Words

Sinubukan kong magsalita. Sinubukan kong ipagtanggol ang sarili ko. Paulit-ulit kong sinabing hindi totoo ang lahat. Pero sa bawat bukas ng bibig ko, mas lalo lang bumibigat ang galit na ibinubuhos niya sa akin. At sa gilid ng paningin ko, nandoon si Tito Albert. Hindi man lang umaawat. At hindi nagsasalita. Nanonood lang. May ngiti pa nga sa mga labi niya. Parang aliw na aliw sa nangyayari… sa kahihiyan ko at sa katotohanang wala akong laban. Parang nasisiyahan pa nga siya na nasisilipan na niya ako dahil sa bugbog na inaabot ko sa asawa niya. “Aviona!” Boses ni Kuya Arvill ang sumunod kong narinig. Parang may bumukal na pag-asa sa puso ko. Nandoon siya, nakatayo sa pintuan, nagulat sa eksenang naabutan niya. “Kuya…” basag ang boses ko. Nanginginig ang mga tuhod ko. Ramdam ko pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD