“Magandang gabi po, Tito,” mahina kong bati… reflex lang, parang nakasanayan, bago ako nagmamadaling pumasok sa kuwarto at isinara ang pinto. Ramdam ko lalo ang matinding antok habang isinusuot ko na ang panty ko. Habang isinusuot ko ang bra ko, biglang bumukas ang pinto. Malakas ang balya niyon kaya napasinghap at napaigtad ako. Muntik ko pa ngang mabitiwan ang hawak ko. Napalingon ako, at nanlamig ang buong katawan ko. Naroon si Tito Albert. Nakatayo sa bungad ng pinto. Titig na titig siya sa akin at nakangisi. “T-Tito…” nanginginig ang boses ko. “B-Bakit po? Puwede po bang lumabas po muna kayo kasi hindi pa po ako tapos magbihis.” Pero sa halip na umalis ay lumapit siya. Hindi ko maalala ang eksaktong mga salitang sinabi niya… pero malinaw ang pakiramdam. Ang bigat sa dibdib ko

