Continuation of Melody’s POV “O-Opo, Kuya,” mabilis kong sagot kay Kuya Arvill. “Hindi ko po siya iiwan. Pangako.” “Melody,” mas bumaba ang boses niya. “Anong oras nangyari?” “Halos kanina lang po… mga bandang alas-diyes y medya. Bigla po iyong kaguluhan, tapos nasundan ng sunog… Kuya, sorry po–” “Huwag kang mag-sorry,” mariin niyang putol. “Hindi mo kasalanan ’to.” Narinig ko ang pagbukas ng pinto at mga malalakas na yabag, halatang nagmamadali na siya. “Pakiusap,” dugtong niya, basag na ang boses. “Sabihin mo sa kaniya… sabihin mo kay Aviona na parating na ako. Lumaban siya. Matapang ang kapatid ko. Kaya niya ‘yan.” Tumingin ako kay Aviona. Mahina ang pag-angat at baba ng dibdib niya. Parang bata siyang natutulog… pero masyadong tahimik. “Kuya,” bulong ko. “Naririnig ka niya kahi

