“Alam niyo po bang nag-alok siya na babayaran ang lahat ng bill sa ospital?” seryosong tanong ni Arvill sa kanilang mag-asawa. “That will not be a problem with us,” si Marcus ang sumagot. “But I want to pay you. Ayaw kong magkaroon kami ng utang kahit kanino,” mariing pahayag ni Arvill. “Deal!” pagpayag agad ni Marcus. Gustong tumutol ni Ashnea dahil ayaw naman sana talaga niyang pabayaran. Kaya lang naiintindihan din niya ang paninindigan ni Arvill. Kaya naman nanahimik na lamang sila at bumalik na sa upuan nila kanina. Si Asher ay nagpaalam na. Kahit ayaw niyang aminin ay labis siyang nag-aalala sa kapatid niya. Bandang pasado alas-dos ng madaling araw, nagkaroon ng bahagyang pagbabago sa monitor. Tumaas nang kaunti ang heart rate ni Aviona. Napansin naman agad i

