Aviona’s POV Isang linggo. Isang linggo mula nang magising ako sa ICU na puro puti lang ang nakikita ko. Isang linggo mula nang marinig ko ang tunog ng makina na sumusukat sa t***k ng puso ko. Isang linggo mula nang maramdaman ko ang kirot na parang may apoy pa ring natira sa balat ko. Ngayon, nasa regular room na ako. Pero hindi ibig sabihin noon ay okay na talaga ako. Pagmulat ko ng mga mata ko, una kong nararamdaman ang bigat ng katawan ko. May benda ang kaliwang braso ko. May makapal na dressing sa tagiliran at sa hita. Kapag gumagalaw ako, parang may humihila sa balat ko. Hindi siya iyong tipong simpleng hapdi lang. May lalim. May kirot na nagpapaalala kung gaanong nagdusa ang katawan ko sa isang trahedya. Huminga ako nang dahan-dahan. May bahagyang amoy pa rin ng antiseptic

