Chapter XV "Lexis, may naghahanap sa'yo." Biglang tawag sa akin ni Abigail nang makalapit ito sa aking kinaroroonan. "May naghahanap sa'yo." Pag-uulit pa nito, at humawak siya sa aking balikat. Pansin kong may kakaiba kay Abigail, pero 'di ko iyon pinansin. "Sino?" Sasalita pa sana si Abigail ng nasa likuran niya na ang isang babaeng naka all black ang suot at walang bakas na emosyong makikita sa kanyang mukha. Siya 'yong babae na sumugod sa akin sa kwarto. "Iwan mo muna kami, Abigail." Wika ko sa aking kaibigan at nagdadalawang isip pa siya kung susundin niya ba ako o hindi. Napa tingin pa ako sa kanang braso nito na parang may kung ano. Magsasalita pa sana ako ng biglang nagsalita ang babae. "Leave us." May awtoridad nitong utos at agad naman napa-tango si Abigail. Weird. Sinund

