Chapter XI "Cherrie? Anong meron do'n at bakit maraming tao?" "Hindi ko alam, magkasama kaya tayo, hello..." "Puntahan kaya natin nang malaman." Suwisyon ni Abigail. Kasama ko na naman ang dalawang babae na'to. Hays. Mangungulit lang naman ang mga ito tungkol kay Hugo. Big deal talaga sa kanila ang lalaking iyon, simula sa unibersidad hanggang pauwi nalang ay walang sawang nagtatanong. Paano naman kasi, palaging nasa tabi ko si Hugo, kaya ganun nalang ang pagdududa nila sa amin. Teka! Ano ba ang status namin nang bampirang 'yon? Tsk! "Rose, Cherrie dito tayo dali." Tawag sa amin ni Abigail at agad kaming lumapit. "Ale, anong pong meron at ang daming tao dito?" Biglang singit ni Abigail. "Naku! May nakitang patay na katawan sa loob ng bodegang 'yan. Hindi pa naman nakita kasi hangg

