Chapter IV "Kumusta siya?" "Who did that to her?" Rinig kong may nag-uusap sa paanan ng kamang hinihigaan ko. Anong nangyari? Huling naalala ko patakbo akong isinugod ni Hugo sa clinic. Pero bakit? Bakit nasa isang malawak na kwarto ako at pinalibutan ng maitim na kulay. Saan ako? Anong lugar ito? Ginalaw ko ang aking katawan subalit nakaramdam ako ng sobrang sakit sa aking kaliwang balikat. Iyong tama ng kutsilyo. Saan ba kasi galing ang kutsilyong 'yon? "May bumato ng kutsilyo sa kanya." Rinig kong sabi ni Hugo. "At pagbabayaran niya iyon." Gigil pang sabi nito. "Are you inlove. Right?" Huminga siya ng malalim. Nagkunwari akong tulog, pero ang totoo, pakiki-tsismis lang talaga ako. "You know already my answer, Lucia." Anong ibig niyang sabihin? Werdo na, nakaka-lito pa

