Kalalabas lang namin ni Kyla ng mall, nag-dridrive ako patungo sa lugar na kakainan namen for dinner. Wala kami masyadong imikan sa kotse. Hindi ko alam kung anong iniisip niya pero ako iniisip ko na kung sinong babalikan ko sa mall para bugbugin dahil mukhang hindi bagay sa akin yung sapatos tulad ng biro ni Kyla. Medyo ikinainit yun ng ulo ko, idagdag mo pa ang biglang pagsikip ng daloy ng trapiko. Panay na ang pagbusina ko sa kotse sa harap ko ng di ko namamalayan. "Hoy, masakit sa tenga!", reklamo ni Kyla. "Saka kahit anong busina ang gawin mo dyan, hindi lilipad yang kotse sa harap natin. Kalma lang ok?" "Sorry. Kabadtrip kasi e, nagugutom na ako.", palusot ko na lang. "Kyla, bagay ba talaga sa akin yung sapatos?", seryoso kong tanong di ko na rin kasi mapigilan e. "Bwahahahahahaha

