Wala ng naisagot sa akin si Yuhan, yumuko na lamang sya. Sinubukan kong bawiin yung braso ko na hawak niya ngunit lalo lang niya hinigpitan ang kapit sa akin. "Gusto ko lang naman kasi katabi ka matulog ngayon.", medyo nabubulol pa niyang sabi. "Sorry, nasobrahan ata ako ng kakulitan. Hintayin mo ko kunin ko lang yung cookies mo tapos hatid na kita." Bigla namang parang may bumatok sa ulo ko. Ito na naman ako. Hindi ko na naman siya matiis. Ayaw ko sa lahat yung para siyang batang inagawan ng lollipop na nagpapaliwanag sakin. Ayaw kong nakikita siyang ganun, lalo na kung alam kong may magagawa ako para sa kanya. Ang pinaka-ayaw ko eh yung mga kilos at salita niya na parang gusto niya palabasin na lagi nya ako gusto makasama, ayaw ko ng ganon kasi lalo lang akong umaasang baka mahal niya

