"So Near, Yet So Far : Kyla Francine Rivera" . . Nahihilo na ako dahil sa alak na ininom ko. Pagewang-gewang akong naglakad sa bar, hinahanap si Yuhan. Pinipilit ko nalang hindi sumuka at maglakad ng maayos pero mukang hindi ko na talaga kaya. Tuluyan na akong natumba ng malapit na ako sa pinto. Napapikit nalang ako at hinihintay na bumagsak sa sahig ang katawan ko pero ilang segundo na ang nakakalipas ay hindi pa rin ako bumabagsak. Pinilit kong imulat ang mata ko at titigan ang lalake na nakaalalay pala sa akin kaya hindi ako tuluyang bumagsak. Hindi ko maaninag ang mukha niya pero sigurado ako sa nakikita ko. Adonis ang isang to. Maysinasabi siya pero hindi ko na marinig, siguro ay dahil na rin sa ingay ng bar at sa sobrang hilo ko. Wala na akong nagawa ng tuluyan na akong bumagsa

