Isang taon na rin ang nakalilipas simula ng mawala siya. Halos sariwa pa rin ang lahat nang mga pangyayari sa akin. Hindi ko makalimutan ang itsura niya noong binabawian na siya ng buhay at wala akong magawa. Di ko na maramdaman ang patak ng malamig na tubig sa aking katawan na nagmumula sa shower. Ni-hindi ko nga napansin na hindi ko pala na on ang heater ng shower. Marahang pumapatak sa katawan ko ang tubig pababa hanggang sa umagos na ito patungo sa maliit na butas. Basang-basa na ako at hindi ko na rin alam kung ilang minuto na akong nakababad sa shower. Parang mas gusto ko na lang tuloy ang magbabad sa bathtub. Ang lamig ng tubig ay nagpapamanhid sa puso kong parang unti-unting winawasak. Binuksan ko ang gripo sa bathtub at nilagyan ito ng liquid body soap. Nang matanya kong tama n

