Yuhan's POV NARINIG KO ang pagtunog ng aking cellphone. Nang makita ang pangalan sa screen ay agad kong sinagot ang tawag. "Hello.", pambungad ko sa aking kausap. "O sige baba na ako. Hintayin na lang kita sa baba.", pinatay ko na ang cellphone ko para hintayin ang pagdating ni Ivy. Binuksan ko ang ilaw ng kwarto. Nagsuot ako ng pang-itaas na damit. For some reason, pinili kong itaas ang blindfolds ng aking bintana. May nakita akong pigura sa may puno sa tapat namin. Muling nagring ang cellphone ko. Nang tingnan ko ay text ni Ivy, nasa baba na raw siya. Nang sumilip muli ako sa bintana para tingnan kung ano yung nasa puno ay wala na doon ang nakita ko kanina. Ang natanaw ko ay isang papalapit na taxi. Agad naman akong bumaba para buksan ang gate dahil baka si Ivy na iyong paparating.

