Nagulat si Emilia nang bigla na lang sumulpot sa harap n'ya si Teagan at sinakmal ang kanyang leeg gamit ang mala-demonyo nitong kamay. Walang bahid nang pagkakakilanlan sa kanya ang diyablo kaya naman nagawa s'ya nitong sugurin. "T-Teagan, a-ako ito, si Emilia." nahihirapang bigkas ni Emilia. Bago pa man tuluyang mabali leeg ng demoness ay tinulungan na s'ya ni Necrodeus. Gamit ang kawit nito ay winasiwas ito ng grim reaper sa harap ng diyablo. Nagawang bitawan ni Teagan ang leeg ni Emilia pero isang malakas na sipa ang binigay nito na naging dahilan para parehong tumalsik ang dalawang kaharap papalayo sa kanya. Ginamit ni Necrodeus ang pagkakataong 'yon para saluhin si Emilia at lisanin ang kwartong kinalalagyan nila. "Anong ginawa mo?!" asik ni Emilia. "Gusto mo ba talagang harapin

