"Sa tingin mo ba talaga ay basta-basta mo na lang akong matatalo? Hindi ako magiging kanang kamay ni Azazel kung wala akong kakayahan para sa pwestong iyon." pahayag ni Manu habang hawak ang putol na braso ni Emilia. Inihagis n'ya ito palayo saka muling umupo sa kanyang trono. Wala pang sampung minuto ang laban ng dalawa pero makikita na kung sino ang lamang sa kanila. Nagngingitngit sa galit si Emilia habang tinatapunan nang masamang tingin ang kaharap na kalaban. Masyado n'ya nga itong minaliit na naging dahilan para mawalan s'ya kaagad ng braso. Hindi n'ya alam kong anong klasing kapangyarihan ang ginamit ni Manu para hindi s'ya mapakag-generate ng panibagong armas sa kanyang putol na braso. Makikitang patuloy na umaagos sa sugat ang itim na dugo na bago sa kanyang karanasan. Sa tuwing

