LEVIATHAN
"K-Kahit na anong gawin mong pagprotekta sa babaing 'yon ay sa mga kamay pa rin ni Satanathos ang bagsak ng kalahating diyablo na iyon." pahayag ng babaing fallen angel na hindi na makatayo nang tuwid dahil sa mga natanggap n’yang tama mula sa akin. Wala na ring malay ang kasama n’yang lalaki.
"Mali ang ginawa n'yong pag-atake rito sa palasyo ni Beelzebub." saad ko bago s’ya tuluyang pabagsakin. Kung ganun ay mga alipin ni sila ni Satanathos. Ang lakas ng loob n’yang sugurin ang palasyo ni Beezebub. Gusto n’ya bang magsimula ng giyera?
"Leviathan ko!" Narinig kong sigaw ni Zhola. Naramdaman ko ang pagpulupot n’ya sa braso ko kaya agad ko iyon winakli.
Kailangan kong masiguradong nakabalik nang ligtas ang kalahating diyablo na iyon.
"Hoy demoness, hinihintay ka na ni Beelzebub!" tawag ni Greer kay Zhola kaya walang nagawa si Zhola kundi lumipad patungo sa kinaroroonan ni Beelzebub.
F*ck! Mura ko sa isip ko nang maalalang may mahalaga pa pala kaming kailangang pag-usapan ni Zhola.
Agad akong gumawa ng portal papunta sa mundo ng mga mortal para sundan si Teagan ng bigla na lang sumulpot sa tabi ko si Elisha. "Pauwi na ba 'to sa amin?" tanong ni Elisha. Hindi pa ako nakakasagot sa tanong n'ya nang bigla s’yang pumasok sa portal pero ilang sandali lang ay sumulpot s’ya ilang metro lang ang layo sa akin.
"Bakit ako bumalik?" puno nang pagtatakang tanong ng familiar. Gan’to rin ang nangyari sa akin noon kaya hindi ako nakabalik kaagad sa mundo ng mga diyablo.
Mukhang ilang araw pa ang aantayin namin para makabalik sa mundo ng mga mortal.
***
Agad akong nagtungo sa palasyo ni Satanathos para magmanman. Gusto kong malaman ang sunod n’yang hakbang. Alam kong hindi s’ya titigil hangga't hindi n'ya napapasakamay ang anak ni Azazel.
Hindi kagaya sa palasyo ni Beelzebub na hindi ganun kahigpit ang seguridad ay kabaliktaran naman iyon sa palasyo ni Satanathos na maraming sundalong diyablo ang nakakalat at nakabantay. Mabilis kong nailabas ang kawit ko nang maramdaman ang isang presensya sa likuran ko.
"Hindi magtatagal ay isa na namang madugong digmaan ang magaganap. Tanging ang anak lang ni Azazel ang makakapigil o sisiklab sa himagsikan ‘yon." pahayag ng nakatalukbong na nilalang sa harap ko bago ito tuluyang mawala sa harap ko.
Isang digmaan?
Naagaw nang pansin ko ang limang fallen angels na niyuyukuan at niluluhuran ng mga diyablo habang binabaybay ng mga ito ang pasilyo. Kakaiba ang awrang binibigay ng mga ito, mas malakas pa kesa sa dalawang fallen angels na napabagsak ko. Makikita ang markang nakalagay kaliwang leeg nila. Sa pagkakaalam ko marka iyon nang matataas na general.
Agad akong nagtago sa likurang puno na malapit sa akin nang biglang lumingon ang babaing fallen angel na may pana sa likuran. Halos ilang kilometro ang layo ko pero nagawa pa rin n’yang maramdaman ang awra ko. Mukhang hindi basta-bastang mga fallen angels ang susunod kong makakaharap.
THIRD PERSON
Sa loob ng palasyo ni Satanathos ay agad na nagbigay galang ang limang general na fallen angels sa harap ni Satanathos.
"Siguro'y alam n'yo na ang dahilan ng pagpapapunta ko sa inyo rito." seryosong pahayag ng diyablo habang pinaglalaruan sa kamay n’ya ang isang punyal. "Nabigong kunin nina Cain at Etna ang anak ni Azazel. Pinahiya nila ang pangalan ko!" asik ng diyablo. "Sa susunod na mangyari ulit ang ginawa ng dalawa ‘yon ay matutulad din kayo sa kanila." pagbabanta pa nito.
Sa palasyo ni Beelzebub kung saan nakabilanggo ang dalawang fallen angels, kitang-kita ni Elymus ang mga lumalabas na mga ahas sa laman nang dalawang bihag. Halos magkalasuglasog na ang katawan ng mga ito. Mabilis na tumakbo ang centaur na s'yang tagapagbantay sa piitan para ibalita ang nangyari. Hindi pa nila na i-interogate ang dalawa pero mukhang pinatahimik na kaagad ang mga ito.
"Panginoon patay na ang dalawang bilanggo." anunsyo ni Elymus.
"Hmmm. Mabilis talagang magtrabaho si Satanathos." pahayag ni Beelzebub.
"Kung ganun ay alam n'yo na kung kaninong alipin ang mga ito?" gulat na tanong ni Elymus.
"Elymus, lahat ng lumalabas at pumapasok sa kalupaan ko ay hindi makakalagpas sa akin. May mga mata akong nagkalat." Nakangising saad ng diyablo. "Dalhin mo sa akin si Riddygore at Malius."
"P-Pero traydor ang mga iyon." saad ng Centaur. Si Riddygore at Malius ay parehong goblin na nagtraydor kay Beelzebub. May ibang diyablo itong pinagsisilbihan maliban sa diyablong kaharap n'ya at hanggang ngayon nga ay hindi pa nila kilala ang ipinagpalit ng mga ito ay Beelzebub.
"Ngayon din!" asik ni Beelzebub.
Walang nagawa si Elymus kundi sundin ang panginoon.
***
"Oh bakit mukhang problemadong-problemado ka? Hahaha. Nakakastress ba sa ilalalim?" tanong ni Fang kasama ang alaga n’yang higanting itim na lobo na si Fentris.
"Alam mo namang sa tuwing umaakyat lang ako rito sa palasyo nai-stress. Gusto ko na lang ikulong ang sarili ko sa dungeon at magmuni-muni." buntonghiningang pahayag ni Elymus. "Mukhang natapos din ang misyon ninyo ni Fentris."
"Oo. Bumalik agad kami dahil may nakarating sa aking nakaka-excite na balita." Malawak ang ngisi sa labi ni Fang.
"Fang!" Napalingon ang dalawa dahil sa matinis na boses na kanilang narinig.
"Greer! Namiss kita!" saad naman ni Fang nang makita ang Imp.
"Aahhhh!" sigaw ng Imp nang habulin ito Fentris. "Faaaaaangggggg! Itali mo si Fentrisssssss! Kakainin n'ya ako ng buhay!" muling sigaw ni Greer habang patuloy pa ring tumatakbo palayo sa malaking lobo.
"Mauna na ako. May iniuutos pa sa akin si Beelzebub." paalam ni Elymus sa dalawa.
"Fentris." pagtawag ni Fang sa alagang lobo. Tumigil si Fentris sa paghabol kay Greer at saka maamong lumapit sa tagapagalaga.
Hinihingal naman na napasalampak sa sahig si Greer matapos ang naging habulan nla ng lobo.
"Kamusta ang palasyo?" tanong ni Fang ng tuluyang makalapit sa Imp.
"Ang palasyo o ang kapatid mo?" balik na tanong ni Greer.
"Hahahaha! Gusto mo bang ipalamon kita ng buhay kay Fentris?" nakangiting tanong ni Fang na bakas ang pagiging sarkastiko. Kulang na lang ay malawa ang mga mata n’ya sa tuwing ngumingiti. Si Fang ay isa rin dating mortal katulad ni Leviathan. Sabay silang baguhang alipin noon ni Beelzebub sampung taon na ang nakalilipas.
"Haist! Alam mo bang banat na banat ang mga buto ko. Habulan dito, talsikan doon. Kailangan ko na yatang magbakasyon." dismayang pahayag ng Imp na napapailing na lang.
"Balita ko nga ay napadpad dito ang kalahating diyablo na anak ni Azazel."
"Magaling ka talagang kumalap ng impormasyon Fang. Hindi na ko magtataka kung bakit ka naging kaliwang kamay ni Beelzebub." papuri ni Greer. "Alam mo na rin bang nasa pangangalaga ngayon ng kapati-- ibig kong sabihin, nasa pangangalaga ni Leviathan ang kalahating diyablo na iyon?"
"Oo. Nais ba ni Beelzebub na mamatay si Leviathan?" naguguluhang tanong ni Fang. "Alam n'ya ang panganib na dala ng anak ni Azazel." bakas asa mukha ni Fang ang inis.
Sekretong napangisi si Greer dahil sa naging pahayag ni Fang. Kahit may naging alitan sila ni Leviathan na itinuring n’yang kapatid noon ay makikitang nagaalala pa rin ito sa kaligtasan nito.
“May panibagong misyon bang pinapagawa sa’yo si Beelzebub?” tanong ni Greer.
“Papunta palang kami ni Fetris sa kanya. Sige na, maiwan na kita.” paalam ni Fang sa kaibigan bago tuluyang maglakad papunta sa kinaroroonan ni Beelzebub. Bumakas sa mga mata ng binata ang galit dahil sa kapahamakang dindala ng kalahaing diyablo sa kanyang kapatid na si Leviathan.
“Let me kill her!” pakiusap ni Fang kay Beelzebub habang nakaluhod ang isang tuhod n’ya at nakayuko sa harap ng diyablo. “Habang hindi pa tuluyang nagiging ganap na diyablo ang babaing ‘yon ay pagkakataon na nating patayin s’ya bago pa mahuli ang lahat. Alam mo ang panganib na dala n’ya hindi lang sa atin kundi pati na rin sa inyong mundo.” dagdag pa n’ya.
“Hindi matutuwa si Leviathan kapag narinig ka n’ya ngayon.”
“Wala akong pakialam! Hindi s’ya marunong mag-isip, ang protektahan ang babaing ‘yon ay isang pagpapatiwakal!” tiim-bagang na pahayag ni Fang.
Napaayos ng upo si Beelzebub saka napahawak sa kanyang baba habang may iniisip. Hindi nagtagal ay sumilay sa kanyang labi ang isang pilyong ngiti. “Sige, papayagan kitang patayin ang anak ni Azazel pero may kondisyon.”
“Ano ‘yon?”
“Handa ka bang kamunghian ni Leviathan? Alam kong naging malapit kayo at itinuring na pamilya ang sa isa’t isa.”
May pagdadal’wang isip si Fang pero agad n’ya ‘yong winakli dahil mas pipiliin n’yang kamunghian s’ya ni Leviathan kesa mapahamak ito.
“A-Ano ang kondisyon mo panginoon ko?” lakas loob na tanong n’ya rito.
“Patayin mo sa harap ni Leviathan ang kalahating diyablo. Gusto kong makita ang magiging reaksyon ng alipin ko sa gagawin mo.”
Mabilis na napaangat ng tingin si Fang sa kanyang pinuno na puno nang pagkagulat sa kanyang mukha pero agad ring kumalma ang ekspresyon n’ya. Napakuyom na lamang s’ya ng kamao bago ituwid ang kanyang tayo. “Kung ‘yan ang gusto mo ay walang pagaalinlangan ko ‘yong gagawin.” matapang na pahayag ni Fang bago tuluyang talikuran si Beelzebub.