18 - New Mission

1130 Words
ZHOLA Isang malakas na ungol ang ginawa ng higanting Chefure. Kasunod nun ang matinding pagyanig at pagtipak ng lupang kinatatayuan namin. Oh sh*t! Mukhang alam ko na ang susunod na mangyayari. "Elisha!" sigaw ko saka mabilis na lumipad papunta sa kanya. Mabilis s’yang nakapagpalit ng anyo bilang demoness saka lumipad para sundan ako. Mula sa ibaba ay nakita ko ang paglabas ng iba pang Chefure sa loob ng mga bulkan. Mukhang nagising ito dahil sa ginawang ingay ng nauna. "Ahhhhhhh!" sigaw ng familiar kaya agad ko s’yang sinilip. Hawak ngayon ng Chefure ang kanang binti n’ya. Hinila pababa nang higante si Elisha na dahilan ng paghalik n’ya sa lupa. Mabuti na lang at hindi sa berding magma dahil siguradong tustado s'ya. Mabilis akong lumipad paibaba para tulungan si Elisha pero bago ko pa man s’ya madampot ay tumalsik na ako dahil malaking kamay ng higante. Nagawa kong kontrolin ang katawan gamit ang mga pakpak ko kaya naiwasan kong lumagapak sa bulkang handa na sana akong saluhin. "Good luck with that." Hindi ko mapiglang magngitngit sa inis dahil kay Sebastian. Gusto ko s'yang pagsasaksakin sa mukha. Kasama pa ang dalawa n’yang alipores ay naglaho na lang silang parang bula sa ere. "Hoy! Buhay ka pa ba?" sigaw na tanong ko kay Elisha. Nakita ko s’yang tumatakbo habang iniiwasan ang mga umaataking Chefure. Bali ang pakpak n’ya pero maya-maya pa ay nag-anyong ahas na s’ya. "I'm exhausted! Hindi ko na kayang magpalit ng anyo!" Tsk. Okay! Let me try again. Muli ako lumipad paibaba, iniwasan ko ang ginawang paghuli at atake sa akin ng mga Chefure pero katulad ng nauna ay nahagupit ulit ako ng isa sa mga ito. Masyado silang marami at malalaki. Iwan ko na lang kaya ang familiar na 'to para wala na akong problema. "Alam ko ang iniisip mo Zhola! 'Wag mo ng subukang gawin kung ayaw mong ipakulam kita kay Magdalene!" banta nito. Huh! Ang lakas ng loob n’yang takutin ako. "Zhola..." Isang pamilyar at matinis na boses ang narinig kong tumawag sa akin. Hinanap 'yon ng mga mata ko at nakita si Greer. For the first time, ngayon lang ako natuwa na makita ang pagmumukha ng pandak na 'to. Nasa bunganga s’ya ng isang lagusan. Hindi ito katulad ng portal na ginagawa ni Leviathan. "Pinapatawag ka ni Beelzebub." dagdag pa n’ya. "Greer! Tamang-tama ang dating mo." Mabilis kong dinampot si Greer at ibinato papunta kay Elisha. "Kunin mo ang ahas na yan!" pahabol na sigaw ko. "Aaahhhhhh! Walanghiya ka Zhola!" Nang makuha n’ya si Elisha ay lumitaw sa likuran ng Imp ang maliit n’yang pakpak saka lumipad papunta sa akin habang pilit na iniiwasan ang mga higante. Dahil sa liit n’ya ay nahirapan ang mga Chefure na hulihin s’ya. "Ang galing mo talaga Greer." papuri ko rito. "P-Pagbabayaran m-mo ang ginawa mo!" Bhumahangos na banta n’ya sa akin pero katulad ng dati ay inilabas ko lang sa kabilang tenga ang sinabi n’ya. Pagpasok namin sa portal ay s'ya ring pag-apak namin sa palasyo ni Beelzebub. Mabilis na nagliwanag ang mga mata ko ng makita ko hindi kalayuan si Leviathan. "Leviathan ko!" sigaw ko saka mabilis na lumipad papalapit rito. "M-Mga fallen angels? Anong ginagawa ng mga yan dito? At anong nagyari sa kanila?" sunod-sunod na tanong ko kay Leviathan ng makita ang dalawang nakahandusay na fallen angels. Bali-bali ang itim na mga pakpak nito at halatang bugbog sarado. Si Leviathan ba ang may gawa nito? Haist! Nakaka-inlove ang kakisigan n'ya. Kumapit ako sa braso n’ya na agad naman n’yang winakli. Nakaka-inlove rin ang coldness n'ya. "Hoy demoness, hinihintay ka na ni Beelzebub!" sabat ni Greer. Gustuhin ko mang sulitin ang mga oras ko na kasama si Leviathan ay hindi ko muna pweding gawin. Kailangan kong i-priority si Beelzebub! "Oo papunta na!" iritang saad ko bago lumipad papalayo. Ano naman kayang kailangan ni Beelzebub ngayon. "Panginoong Beelzebub." tawag ko rito habang nakaluhod ang isa sa mga tuhod ko at nakayuko ang ulo. "Hindi mo nagampanang mabuti ang misyong ibinigay ko." mahinahong saad ng diyablong kaharap ko. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng katawan ko dahil sa sinabi n’ya. Nakakatakot ang pagiging mahinahon n’ya. "P-Paumanhin. Pangakong hindi ko na hahayaang mag-cross pa ulit ang landas ni Leviathan at nang kalahating d-diyablo." utal na pahayag ko habang nakayuko pa rin. Sa mga oras na 'to ay ayokong magtama ang mga mata namin ni Beelzebub. Mas lalo kong pagsisisihan kapag ginawa ko 'yon. "Huli na dahil hindi na mapipigilan ang pagkikita ulit ng dalawa. Sa ngayon ay may misyon ulit akong ipagkakatiwala sa'yo at kapag hindi mo ito nagawa ng maayos ay alam mo na ang maaring mangyari." pahayag n’ya. "Hindi ko kayo bibiguin Beelzebub." *** NANG magsara ang pinto sa likod ko ay doon lang ako nakahinga nang maayos. Madaming tanong sa isip ko na gusto kong mabigyan nang kaliwanagan at isa na dun ang nabigo kong misyon na 'wag pagtagpuin si Leviathan at si Teagan. Bakit? I mean, anong mangyayari kung mag-cross ang landas nila? "Zhola! Nakabalik na ng mundo si Teagan!" salubong sa akin ni Elisha. Hindi maipinta ang mukha nito. Hindi makikita sa mukha ni Elisha na masaya s’ya dahil nakabalik na sa mundo ng mga tao ang binabantayan n’ya. "So bakit nandito ka pa? Umuwi ka na sa amo mo bago pa malaman ni Beelzebub na may outsider dito." “Iyon na nga! Gustong gusto ko na makauwi pero sa tuwing lalabas ako ng portal ay isinusuka ako nito pabalik dito!" hinanaing ng familiar na kaharap ko. "Anong dahilan bakit hindi ako makabalik sa mundo ng mga mortal?" tanong niya pa. "Hindi ko rin alam." kibit-balikat na sagot ko rito. "Hmm. Parang alam ko na kung bakit." Napalingon kaming dalawa ni Elisha kay Greer. "Sa tingin ko ay limitado lang ang paglabas-pasok sa pagitan ng dalawang mundo. Katulad ng nangyari noon kay bossing." "Gaano katagal ako maghihintay?" tanong ni Elisha. "Iyon ang hindi ko alam." sagot ni Greer na ikinabagsak ng balikat ng familiar. "Teka, nasaan na nga pala si Leviathan?" tanong ko sa dalawa. "Umalis at hindi ko alam kong saan pumunta." saad ng familiar. "Hindi ko rin alam. Bigla na lang s’yang nawala na parang bula kanina." sagot naman ni Greer. Haist! Kung kelan naman ako may misyon saka pa s'ya nawala. Mami-miss ko na naman si Leviathan. Mukhang matagal na naman kami hindi magkikita. Sige na nga, magpapamiss muna ako baka sakaling hanapin n'ya ko. Hehehe. "Hoy! Saan ka pupunta? Hindi mo ako pweding iwan na lang dito." "Aba, problema mo na 'yon!" Lumipad ako palayo rito para simulan ang utos ni Beelzebub na pagmamasid sa kalupaan ni Azazel. Isa pa ito sa gumugulo sa isip ko. Anong meron sa kaharian ni Azazel? Hindi ba't matagal ng walang pinuno ang lugar na iyon? Well, malalaman ko naman sa gagawin kong pagmamanman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD