17 - Classmate

1046 Words
MAGDALENE Nang makatulog si Teagan ay agad kung kinausap ang batang kasama n’ya. "Melkor." Tawag ko sa kanya. Kung hindi ako nagkakamali ay alipin s’ya ni Astaroth. Si Astaroth ang pangatlo sa pinakamakapangyarihang diyablo na namumuno sa Demon world. Pangalawa si Beelzebub habang nangunguna naman si Azazel. At ang pinakahuli sa lahat ay si Satanathos. 1. Azazel 2. Beelzebub 3. Astaroth 4. Satanathos Iyan ang ranggo ng apat na diyablong namumuno sa mundo ng mga diyablo. Nakadepende ang pagkakasunod nila sa taglay nilang kapangyarihan at lupaing kinasasakupan nla. Siglo rin ang lumipas nang digmaan sa pagitan ng apat at posibling maulit iyon dahil kay Teagan. "Sabihin mo sa akin ang iba pang nangyari kay Teagan. Alam kong may iba ka pang nalalaman." pahayag ko. "Nakipagkasundo s'ya kay Beelzebub." Mabilis na binalot ng kaba ang puso ko dahil sa naging pahayag ni Melkor. "Alam kong naaalala n'ya ang ginawa n'yang iyon. Hiningi ni Teagan ang tulong ni Beelzebub na gisingin ang kalahati sa kapangyarihan ng diyablo na nasa loob n'ya. Hindi ko alam kung anong dahilan pero 'yon lang ang narinig ko ng komprontahin s'ya ni Leviathan." Kapalit ng paggising sa kapangyarihan ng kalahating diyablo sa katawan ni Teagan ay s'ya ring pagkawala ng kalahati n’yang alaala. Ngayon ay naiintindihan ko na. P-Pero bakit kailangan mong gawin iyon Teagan? Dahil sa gising na ang kapangyarihan n'ya ay unti-unting aagawin ng diyablo ang katawang lupa n'ya hanggang sa sakupin s'ya nito. "Melkor, alam kong alipin ka ni Astaroth pero sa ngayon ay ikaw na lang ang may kakayahanang protektahan si Teagan. Hangga't maaari ay huwag mong hahayaang makabalik sa kamay ni Astaroth si Teagan." Kailangan kong kumapit sa patalim para kay Teagan. "Hindi ko maipapangakong mailalayo ko s'ya kay Astaroth pero gagawin ko ang lahat para maprotektahan ang reyna ng panginoon ko." aniya nito. *** MABILIS na lumipas ang anim na buwan sa mundong kinagagalawan ko. Halos isang buwan din ng mawala si Teagan at sa pagbabalik n’ya ay bumalik sa tahimik ang buhay n’ya. Wala ng mga diyablo at panganib ang nagbabanta sa kanya. Pero malakas ang loob kong may pinaplano ang mga diyablong iyon. "Tita Magda! Papasok na po ako." paalam ni Teagan sa akin. "Sige mag-iingat ka." Sinundan ko na lang ng tingin ang papalayo na si Teagan. Pitong buwan pa bago ang ika-labing walo n’yang kaarawan.    TEAGAN "Handa ka na ba Melkor?" tanong ko sa bubwit. "Yes mommy." sagot naman n’ya. Haist! Pinanindigan n'ya talaga ang pagtawag n'ya sa akin na mommy. Paglabas ko ng portal ay nakasunod na sa akin ang batang babaing 'to. Pilit n'ya sa akin pinapaalala ang pinagsamahan namin sa mundo ng mga diyablo pero wala talaga akong matandaan. Nang muntik ko na s’yang iwan ay umiiyak s’ya at tinawag akong mommy. Pinagtinginan ako ng mga tao kaya wala na akong nagawa kundi isama s’ya sa bahay. Lumitaw sa kamay ni Melkor ang mahaba n’yang latego. Halos limang buwan na rin kaming nagsasanay. Ang bubwit na 'to ang naging trainor ko at talaga namang marami akong natutunan sa kanya. Inalis ko ang itim kong gloves na nagtatago sa kakaibang anyo ng kamay ko. "Hindi ba tayo papagalitan ni Magda? You didn't attend your class again." nagaalalang pahayag ni Melkor. "Nope. Hindi n'ya nalalaman." paninigurado ko sa kanya. "Simulan na natin." "If you say so." Bakit englishera ang batang 'to? Talo n’ya pa ako. Anyway, mabilis kong nahawakan ang latego ni Melkor ng hagupitin n'ya ito papunta sa akin. Ipinulupot ko iyon sa braso ko saka ito hinila dahilan para madala rin ng paghila ko si Melkor. Sasalubungin ko na sana s’ya ng isang suntok ng biglang lumihis ang katawan n’ya. Binitawan ni Melkor ang lategong hawak namin at nagpalabas ulit ng panibago. Napadaing ako sa sakit ng bumagsak ang katawan ko lupa dahil sa ginawang paghagupit n’ya sa paa ko. "Another points for me." magiliw na saad n’ya. Napagusapan kasi namin na magkakapuntos kami kapag napabagsak namin ang isa't isa. Kung hindi ako nagkakamali ay lampas isang daan na ang puntos ni Melkor samantalang nasa 40+ palang ang akin. "Isa pa!" saad ko saka mabilis na bumangon mula sa pagkakasalampak sa lupa. "Nagugutom na ako." nakasimangot na reklamo n’ya. Napasilip ako sa wrist watch ko para tingnan ang oras. Malapit na pala magtanghali. "Fine. Mamaya ulit." "Bukas naman ulit, mommy." reklamo pa n’ya saka mahigpit na yumakap sa binti at nagpacute. Napabuga ako ng hangin saka s’ya binuhat. Buti na lang at cute kang bubwit ka. "Melkor. Umuwi ka na, papasok na lang siguro ako sa panghapon kong klase." pahayag ko. "Hindi ba ko pweding sumama sa klase mo? Magbe-behave ako. Promise." pagpupumilit n’ya. "Hindi pwede ang bata dun. Ang batang tulad mo rito sa mundo namin ay dapat natutulog tuwing hapon." paliwanag ko pa sa kanya. "Pero hindi ako inaantok." aniya nito. "Sige na Melkor, umuwi ka na. Papasok na rin ako." saka ko s’ya ibinaba mula sa pagkakakarga. Alam naman na nito ang daan pauwi kay Tita Magda at isa pa hindi ako matatakot kapag na kidnap s’ya ng white van na mangunguha ng mga bata since alam n'ya naman ipagtanggol ang sarili n'ya. Wala talaga sa itsura ni Melkor na diyablo s’ya. "Okay. Babye na!" paalam n’ya. Hindi ko mapigilang mapangiti habang sinusundan s’ya ng tingin. Bagsak kasi ang mga balikat n’ya at naka-pout pa habang naglalakad.   *** Napatigil ako sa pagpasok ng room nang ibaling ng lahat ang tingin sa akin. Para silang nakakita ng multo. Anong problema ng mga 'to? Pag-upo ko ay tinitigan ako nang masama ng ka-seatmate kong si Joyce. "Hoy! May nakaupo na d'yan." sita n’ya sa akin kaya napatayo na lang ako habang yakap ang bag ko nang itulak n’ya ako nang mahina. "Good morning, Levi." maarting pahayag n’ya. "Tabi." Mabilis akong napalingon ng may nagsalita sa likuran ko. Levi? Nagkita na ba kami noon? "Bingi ka ba?" Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa tanong ng lalaking kaharap ko. Imbis na patulan s’ya ay tumabi na lang ako para padaanin s'ya. Gwapo sana kaya lang mukhang mayabang! Naupo na lang ako sa vacant seat sa harap n’ya. No choice, wala nang ibang available na upuan sa likuran dahil inagaw nang mayabang na gwapong 'to ang upuan ko! Levi? Hmm. Alam kong narinig ko na ito noon at nasambit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD