16 - Battle

2149 Words
LEVIATHAN "One-on-one battle? Ang lakas din ng loob mong hamunin ako. Sa tingin mo ba ay mapapabagsak mo ko?" "Iyon din ang gusto kong malaman." sagot n’ya. Walang bahid nang takot ang boses n’ya. Kitang-kita na desidido s’yang mapabagsak ako. "Sige, pagbibigyan kita." saad ko saka nagbukas ng portal. "Sumunod ka." utos ko rito. Mouth de Infernus o mas kilala rin sa tawag na Mouth of Misery. Kung titingnan ay para lang itong ordinaryong kapatagan pero sa ilalim nito ang tunay na imahe na totoong naglalarawan sa pangalan nito. Ito ang lugar kung saan tinataga ng walang tigil ang mga katawan ng mga mamatay tao. Hindi mo gugustuhin na silipin ‘to dahil sa nakakadiring kaganapan sa ilalim. Dito ko mas piniling gawin ang laban namin. Alam kong wala namang mangyayaring matinding sagupaan pero gusto ko lang makabuwelo kami nang maayos. "Humanda ka na." seryosong pahayag ko. Nakita ko ang malalim na paghugot n’ya ng hangin habang nakapikit ang mga mata. Kahit alam kong wala s’yang experience sa pakikipaglaban ay hindi ko pa rin s’ya pweding maliitin. "Azazel!" sambit n’ya na ikinagulat ko. Nakita ko ang mabilis na pagbukas ng mga mata n’ya. Kumpara sa maputlang pagkadilaw nito noon, ngayon ay makikita ang matapang na kulay ng pagdilaw sa mata n’ya. Nababaliw na ba 'sya! Makikita sa mukha n’ya na nahihirapan s’ya pero hindi na ito katulad ng dati na halos mawala s'ya sa sarili n'ya. Paghakbang n’ya ng mga paa ay s'ya ring mabilis na paglipad nito papunta sa direksyon ko. Ibinuhos n’ya ang pwersa sa kaliwa n’yang paa para magawa iyon at kasunod nun ay ang ibinigay naman n’yang pwersa sa kanang kamao. Mabilis ko iyong nasalo pero isang malakas na pag-head butt ang ginawa n’ya. Hindi iyon ganun kalakas para masaktan ako pero nakita ko ang pagdugo ng noo nang kalahating diyablo. Sinasaktan n'ya lang ang sarili n'ya. Mahina ko s’yang itinulak at parang lampa namang napaupo ito sa lupa. "Hindi pa ako tapos." saad n’ya saka mabilis na tumayo. Desperado na talaga s'yang manalo. "Greer." tawag ko sa Imp na nanonoodsa amin. "B-Bossing, sinubukan ko naman s’yang pigilan pero mapilit talaga s’ya." Muling umatake ang anak ni Azazel gamit ang sunod-sunod na pagsuntok. "Hindi lahat ng pwersa ay kailangang ibinibigay sa kamao. Nasa tamang posisyon ng balikat, binti at paa ang dahilan nang paglakas sa suntok." pangaral ko rito nang muli kong mahuli ang kamao n’ya. Nagtiim bagang s’ya at muling sumuntok gamit ang kabilang kamao. Nang parehas ko ng hawak ang kamay n’ya ay mahina kong sinipa ang binti n’ya na dahilan para mapaupo s’ya. "Anong ginawa mo sa sarili mo?" seryosong tanong ko rito. Imbis na sagutin ako ay tumingin lang s’ya sa akin nang masama saka umiwas ng tingin. "Greer!" "B-Bossing...n-nakipagkasundo s'ya kay Beelzebub kapalit ang pagpapagising sa kalahating diyablo sa katawan n'ya." That's it! Ibabalik ko na ang babaing 'to sa mundo ng mga mortal! Agad kong binuhat na parang sako si Teagan, hindi ko pinansin ang ginawa n’yang pagpupimiglas at pagpigil sa akin ni Melkor. "Ibaba mo ako sabi! Desisyon ko 'yon at wala ka ng magagawa dun!" sigaw n’ya. Nagbukas ako ng portal papunta sa mundo ng mga mortal at akmang papasok na sana ako dun ng may biglang tumama sa tagiliran ko na dahilan para tumalsik ako papalayo sa portal. Mabilis kong natayakap at naprotektahan ang katawan ni Teagan nang magpagulong-gulong kami sa lupa. Ang dalawang fallen angel. "Melkor!" tawag ko sa bubwit at mukhang alam naman n’ya ang ibig kong ipahiwatig. "Huwag kang gagawa ng katangahan." bilin ko kay Teagan dahilan para mapasimangot s’ya. Nang makalapit si Melkor kay Teagan ay gumawa ulit ako ng portal. "Ikaw na munang bahala sa kanya bubwit." "Alam ko. Malakas ang dalawang 'yan kaya goodluck sayo." ismid na sabi n’ya. Gustuhin ko mang tirisin ang kutong lupang 'to ay wala na akong oras. "Hoy Levi! Desisyon ka lagi. Hayaan mong tulungan ka namin." parang batang pahayag ni Teagan. "Magpalakas ka muna." saad ko bago s’ya itulak papasok ng portal. Agad namang sumunod sa kanya si Melkor. Mukhang dito na maghihiwalay ang landas namin ng kalahating diyablo na iyon. Agad kong inilabas ang nagyeyelo kong kawit. Kung sino man ang nag-utos sa dal'wang 'to ay 'yon ang aalamin ko. EMILIA Isang malakas na sipa ang tumama sa aking sikmura ko. Hindi ko inaasahan na ganito na kalakas si Dabura. Halos ilang dekada na rin simula ng magkahiwalay kami ng landas. Nangyari iyon nang parusahan ang panginoon naming si Azazel. Magkaibang landas ang tinahak namin ni Dabura, pumunta ako sa mundo ng mga mortal para alagaan at bantayan si Teagan samantalang naghanap naman s’ya ng ibang pagsisilbihan. "Dabura hindi ako naparito para makipag-away sayo." Dalawang espada ang biglang lumitaw sa magkabila n'yang kamay saka ito itinutok sa leeg ko. "Kailangan ko itong gawin Emilia." aniya nito na halatang napipilitang gawin ang pinapagawa sa kanya ni Satanathos at 'yon ang patayin ako. "Dapat nang una palang ay ikaw na mismo ang pumatay sa batang 'yon. Alam mo ang panganib na dala ng anak ni Azazel pero mas pinili mo pa ring protektahan ito. Tingnan mo ngayon, nagkakagulo ang mga diyablo sa paghahabol sa batang 'yon. Nilalagay mo lang din sa alanganin ang buhay mo Emilia." asik n’ya. "Desisyon ko ito Dabura." Iyon na lang ang nasabi ko. "Sumama ka sa akin Emilia. Pareho nating pagsilbihan si Satanathos." "Hindi mangyayari 'yon." Kahit matagal na panahon ng wala akong pinagsisilbihang diyablo ay kay Teagan ko naman binuhos ang buong atensyon ko at sapat na iyon para sa akin. "Hanggang ngayon ba ay umaasa ka pa rin sa pagbabalik ni Azazel? Nahihibang ka na Emilia! Hindi na babalik si Azazel kaya itigil mo na ang illusyon mo!" Mabilis akong umatras papalayo nang iwasiwas n’ya ang hawak na espada. Wala na akong magagawa kundi ang kalabanin s’ya. Pumunta ako sa teritoryo ni Satanathos para hanapin si Teagan pero si Dabura ang unang bumulaga sa akin. Para bang inaasahan na n’ya ang pagdating ko. Naging isang mahabang patalim ang kamay ko at sinangga ang bawat pagatake ni Dabura. Nagawa kong patalsikin ang isa sa mga hawak n’yang espada pero mas lalo lang bumilis ang mga galaw n’yan. Magaling! Hindi ko inaasahan ang galing n’ya sa pakikipaglaban. Mukhang mali ang pagmamaliit ko sa kanya. "Tchh." daing ko nang makatanggap ako nang malakas na sipa mula kay Dabura. Mabilis akong bumagsak sa lupa na dahilan para pumalibot sa akin ang magkahalong hangin at buhangin. Hindi na s’ya ang dating Dabura na kilala ko. Wala itong lakas ng loob na sumali sa mga laban, matatakutin at walang tiwala sa sariling kakayanan. Kaya minsan ay nagtataka ako noon kung bakit ito naging isang demoness pero ngayon mukhang may naidulot na maganda ang pakikianib n'ya kay Satanahos. Agad akong gumulong sa muli n’yang pag-atake. Determinado na talaga s’yang patayin ako. Lumipad ako papalayo sa kanya. Ang matatalim kong mga kamay ay ginawa kong mahahaba at matitinik na latego. May kakayanan akong manipulahin ang sarili kong katawan. Kaya kong gawing armas ang kahit na anong parte ng katawan ko sa kagustuhan ko. Narinig ko ang pagmura ni Dabura nang mahagip ng latego ang pakpak n’ya. Muli ay ginawa ko ring latego ang isa ko pang kamay at pinaulanan s’ya nang pagatake. Kitang kita sa mukha n’ya na hirap na hirap na s’yang ilagan ang atake. Hindi nagtagal ay hindi na n’ya masabayan ang latego ko. Sunod-sunod na hampas ang natanggap n’ya mula sa akin dahilan para tuluyan ko s’yang mapatumba. Mabilis akong lumipad papasok sa palasyo ni Satanathos pero hindi pa ako gaanong nakakalayo ng may isang nilalang ang biglang bumulaga sa harap ko. Nakasuot s’ya ng mahabang puti at punit-punit na kapa. Tanging isang mata lang n’ya ang makikita. Teka...bulag s’ya. "Sino ka?" "Cryto." Parang narinig ko na ang pangalan n’ya matagal na panahon ng nakakalipas. "Dahil sa pagkagising nang kalahating diyablo sa loob nito ay kalahati rin ng mga alaala n'ya ang mabubura." pahayag n’ya na ikinakunot ng noo ko. Si Teagan ba ang tinutukoy n’ya? Naglahong parang bula ang nilalang sa harap ko. Naalala ko na. Si Cryto, isa rin s’yang demoness na katulad ko pero naiiba s’ya sa uri namin dahil sa kakaiba n’yang kapangyarihang taglay. Naging matunog ang pangalan n’ya dahil sa kakayahan n’yang makita ang kapalaran ng isang tao. Maraming mababang diyablo ang gumamit sa kakayahan ni Cryto. Walang kakayanan ni Cryto na makipaglaban kaya ganun ganun na lang s’ya kung abusuhin ng mga ito. Isa na rin ba s'yang alipin ngayon ni Satanathos? Ang diyablong iyon, mukhang may madumi s’yang balak. "Kekekekeke. Mukhang may naligaw na isang demoness." Agad akong napalingon sa likuran nang marinig ang matinis na boses na iyon. Salamander, isang diyablong may mahabang katawan na parang sa ahas at makapal na balat na parang sa dragon. May hawak s’yang matulis na sibat pero hindi ito ang pangunahing sandata na ginagamit n’ya. Ang balat at buntot n’ya ay mas matibay pa sa kahit na anong uri ng metal. Hindi ito kayang hiwain ng kahit anong normal na patalim. "Ako nga pala si Hardon. Ang punong tagapagbatay ng palasyo ni Satanathos." Pakilala n’ya. "Nasaksihan ko ang ginawa mong pagtalo kay Dabura. Kekeke. Kahit kelan talaga ay napakahina ng demoness na iyon. Siguro'y pinagsisisihan na ni Satanathos na naging alipin n'ya ito." "Magiging kahihiyan ka rin kapag napabagsak kita." matapang na saad ko pero tumawa lang ang salamander na kaharap ko. Ang sarap gilitan ng leeg n’ya dahil sa nakakairita at matinis n’yang boses. "Sa tingin mo ba ay ganun ako kahina sa nauna mong nakalaban? Kekeke. Gusto ko ang ipinapakita mong tiwala sa sarili. Sabihin mo, ano ang ipinunta mo rito? Alam mo bang mapanganib ang lunggang pinasok mo." "Wala ka ng pakialam dun!" Wala na akong oras para patagalin pa ang pag-uusap namin. Muli kong ginawang latego ang dalawa kong kamay at pinaulanan s’ya nang malalakas na hagupit. Nagtiim bagang ako nang makitang hindi man lang s’ya natinag sa kinatatayuan n'ya. Tinatanggap lang n’ya ang mga pagatake ko. "Nakakakiliti ang latego mo." sarkastikong pahayag n’ya na ikinainis ko. Naging matalas na espada ang mga kamay ko. "Kung ako sayo ay hindi na ako magtatangkang lumapit pa." pahayag n’ya na mas lalo kong ikinainis. Mabilis akong lumipad para atakehin s’ya pero bago pa man dumikit ang sandata ko sa pagmumukha n’ya ay isang matigas na bagay ang humagupit sa akin. Ramdam ko ang nakakapasong pagdampi ng buntot n’ya sa laman ko. "Binalaan na kita." aniya nito. A-anong nagyayari sa akin? B-Bakit hindi ko maigalaw ang katawan ko. "May taglay na lason ang buntot ko at sa pagdampi nito sa katawan ay doon din papasok sa sugat mo ang lason. Mapaparalisa ang katawan mo ng ilang oras pero 'wag kang mag-alala hindi ka naman mamatay pwera na lang kung utusan ako ni Satanathos. Dahil kapag si boss na ang nagsabi ay maaaring hindi ka na magising. Kekeke." paliwanag n’ya. Gusto ko s’yangng pagmumurahin pero hindi ko na rin maigalaw ang bibig ko. Hindi nagtagal ay kinain na nang kadiliman ang paningin ko. TEAGAN "Tita Magda? Sa pagkakatanda ko ay 17 years old palang ako, alam kong kalahating diyablo ako pero paano ako nagkaanak ng 5 years old na bata?" tanong ko kay tita na naguguluhan. "Mommy, ako 'to si Melkor. H-Hindi mo na ba talaga ako natatandaan?" mangiyak-ngiyak na tanong ng batang babae na kasing cute pa ng teddy bear ang mukha. "Melkor? Sorry bata pero hindi talaga kita matandaan." ssaad ko habang hinihilot ang sintido ko. "Naalala mo ba ang mga nagyari sa Demon World? Si Astaroth? Naalala mo ba ang diyablong iyon?" tanong ng bata. "Oo. Ang walanghiyang 'yon! Akala n'ya siguro ay papayag akong maging reyna n'ya! Utot nya kamu!" inis na pahayag ko. "So natatandaan mo rin sina Sebastian, Zenon, Haden?" muling tanong ng bubwit. "Oo naman." sagot ko rito. "Pero bakit hindi mo ako matandaan. Huhuhu." tuluyan nang napaiyak ang bata habang yakap ang binti ko. "Teagan, anak. Hindi mo ba nakita sina Elisha at Emilia sa mundo ng mga diyablo?" tanong ni Tita Magda na mas lalong nagpakunot ng noo ko. "Tita, sino si Elisha at Emilia?" puno ng pagtatakang tanong ko. Napatakip na lang ng bibig si Tita Magda dahil sa naging sagot ko. Kitang kita ang takot at pagkagulat sa mukha n’ya. May nasabi ba akong masama? "Teagan...anong nangyari sayo sa mundo ng mga diyablo?" magiyak-ngiyak na tanong ni tita Magda. " Sinimulan kong ikwento kay tita Magda ang lahat. Simula ng umapak ako sa palasyo ni Astaroth hanggang mapunta ako sa palasyo ni Beelzebub. "Si Greer ang tumulong sa akin na makabalik dito." pagtatapos ko sa kwento. "Hindi!" sabat ni Melkor. "Si Leviathan ang gumawa ng portal para mailigtas ka mula sa mga fallen angels." "Sino naman si Leviathan? Wala akong natatandaang may nakilala akong Leviathan sa Demon World." Okay! Naguguluhan na talaga ako sa bubwit na 'to pati na rin sa pinapakitang reaksyon sa akin ni Tita Magda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD