LEVIATHAN
Ang tigas talaga ng ulo ng babaing 'yon. Sa tingin n'ya ba'y maayos n'ya ang problema n'ya ng hindi napapahamak? 'Ni wala s'yang kakayahan na protektahan ang sarili n'ya pero nagagawa n'ya pa ring magmatapang.
Nang makarating sa kinaroroonan ni Melkor ay halatang kakatapos lang nitong lampasuhin ang dalawang Goblin.
"You. Stupid. Goblin." inis na saad n’ya habang sinisipa ang wala ng malay na kalaban.
"Melkor." tawag ko rito kaya mabilis naman s’yang napalingon sa akin.
"Nasaan si milady?" tanong n’ya.
"Hindi ko alam."
"What? Panong 'di mo alam? She might be in danger." aniya nito na halatang nagbabadya ng umiyak. "Hindi magugustuhan ni Astaroth kapag may nangyaring masama sa magiging reyna n'ya." dagdag pa n’ya.
Si Astaroth? Kung ganun ay alipin s'ya ni Astaroth.
Halatang nagulat din s’ya sa mga lumabas sa bibig n'ya.
"Kung ganun ay balak ng panginoon mong gawing reyna ang kalahating diyablong iyon. Kaya pala ganun na lang ang ginagawa mong pagprotekta sa kanya."
Mali ang ginawa kong pagpapapasok sa kanya rito sa palasyo ni Beelzebub. Agad kong hinugot ang dalawa kong blade sa aking likuran para kalabain s’ya.
"Tungkulin ko bilang alipin ang bantayan ang pagmamayari ni Astaroth." aniya nito. "Kahit ayaw ko ang planong iyon ni Astaroth ay wala na akong magagawa dun."
Isa rin akong alipin kaya naiintindihan ko mga sinasabi ni Melkor. Maraming bagay ang hindi na namin malayang magawa. Hindi kami maaring tumutol at kahit labag sa loob ang misyong ibinibigay sa namin ay wala kaming karapatang tumutol. Iyon ang buhay namin bilang isang alipin.
Ako ang unang gumawa ng hakbang para sugurin ang bubwit. Nagawa n’yang makailag sa dalawang kong sandata pero hindi n’ya naiwasan ang pahabol kong pagsipa kaya naman tumilapon s’ya ng ilang metro ang layo bago tumama sa matigas na pader.
Katulad nang inaasahan ay hindi ko ito mapapatumba sa ganung pagatake lang. Mabilis s’yang nakatayo at umatake gamit ang latego. Kitang kita sa mukha n’ya na nahihirapan s’yang mapabagsak ako. Hindi ganun kahirap basahin ang atake ng bubwit, halatang baguhan palang s’ya sa pakikipaglaban pero nagawa na n’yang tapatan ang isa sa mga fallen angel na nakaharap nila sa Hypboreya.
"Anong ginagawa mo?" hinihingal na tanong n’ya ng makitang ibinalik ko sa aking likuran ang dalawa kong blade.
"Hindi ko na kailangan ng armas para patayin ka." saad ko bago s’ya paulanan ng sipa at suntok pero mabilis na napatigil sa ere ang kamao ko nang marinig ang sigaw ng kalahating diyablo.
"Leviathan!" puno nang galit na asik ng babae. Mabilis s’yang nakalapit sa akin at isang malakas na sampal ang natanggap ko sa pisngi.
"Ayos ka lang ba Melkor!" saka n’ya ibinaling sa bubwit ang atensyon n’ya.
Bakit n'ya ba tinuturing na simpling bata ang bubwit na ‘to. Halata naman mas halimaw pa 'yan sa ibang diyablo.
"Bakit pati bata ay pinapatulan mo!" muling asik n’ya sa akin. "Hindi ko mapapatawad ang ginawa mo. Tandaan mo yan!"
At wala akong pakialam!
"Tsk. Aalis ang aliping yan ni Astaroth sa ayaw at sa gusto mo babae dahil kung hindi ay hindi na s’ya makakalabas dito ng buhay sa teritoryo ni Beelzebub."
Mas lalong sumama ang tingin na ipinukol ng anak ni Azazel sa akin. Hindi n'ya ako madadala sa ganyang mga titig.
"Pumili ka kakaladkarin ko ang batang yan palabas sa palasyong 'to o ipapatapon kita pabalik sa mundo mo? Hindi mo magugustuhan ang gagawin ka kapag sinaway mo ulit ako." pagbabanta ko rito.
"Sa isang kondesyon." saad n’ya na nagpataas nang gilid ng labi ko.
Ang lakas ng loob n’yang magbigay ng kondesyon.
"Kapag natalo kita sa isang one-on-one battle ay hahayaan mo na akong manatili rito hangga't di ko pa nahahanap si Elisha at ganun din ang pananatili ni Melkor sa tabi ko."
"One-on-one battle? Ang lakas din ng loob mong hamunin ako. Sa tingin mo ba ay mapapabagsak mo ako?"
"Iyon ang gusto ko ring malaman." sagot n’ya.
TEAGAN
Anong ginagawa ng isang bata rito? Tanong ko sa sarili ko nang makita ang isang batang lalaki na nakaupo sa taas ng trono. Nakapikit ang mga mata n’ya na halatang mahimbing na natutulog. Nakataas ang dalawa n’yang paa habang nakapahinga sa gilid ng sandalan ng upuan.
"Minamaliit mo ba ang anyo ko?" tanong ng bata. Dahan-dahang bumukas ang mga mata n’ya kaya nagtama ang mga mata namin. Napakaganda nang maladagat na kulay n’yang mga mata.
'Wag mong sabihin na s'ya si Beelzebub?
"Tama ako nga! Ako nga Beelzebub!"
Nababasa n'ya ang iniisip ko. Katulad ng nagagawa ni Levi.
"Levi? Si Leviathan ba ang tinutukoy mo? Hahahahaha! Nakakatuwa ka bata."
Katulad ni Astaroth na kayang magkatawang tao ay sigurado akong isa ring halimaw ang totoong anyo ng batang kaharap ko.
"Panginoon paumanhin sa istorbo pero may nais sayong sabihin ang binibini." pahayag ni Greer.
"Sige makikinig ako." nakangising saad ng diyablong kaharap ko.
"A-Alam kong alam mo na ang totoo kong pagkatao..." Panimula ko. Kahit hindi ko sabihin ay alam na ng diyablong kaharap ko ang totoo kung katauhan. Walang duda!
Kahit delikado at wala akong kaalaman sa pakikipagkasundo sa isang maharlikang diyablo ay tataya ako. Hindi na ako pweding bumalik sa dati kong buhay. Delikado para sa akin at sa pamilya ko ang pananatili ko sa piling nila. Ang maaari ko na lang gawin ay protektahan ang mga mahal ko sa buhay at makahanap ng solusyon na magpapabago sa kapalaran ko...at para magawa ang lahat ng iyon ay kailangan ko ng kapangyarihan. Katulad ng sinabi ni Levi, wala akong kakayahan na protektahan ang sarili ko kaya ngayon ay lumalapit ako sa diyablong ito.
"Tulungan mo akong gisingin ang kalahating bahagi ng pagiging isang diyablo ko."
Nakita ko ang pagtaas ng isa n’yang kilay bago gumuhit ang ngisi sa labi n’ya.
"Anong dahilan para pumayag ako sa gusto mo?" tanong n’ya.
"Pagsisilbihan kita. Handa akong maging alipin mo."
"Alam mo bang sa hinihingi mong paggising sa kalahating diyablo sa katawan mo ay para ko na ring nilalagay sa hukay ang kalahati kong buhay? Isa kang mapanganib na diyablo at hindi ko ipupusta ang buhay ko sa panganib na dala mo."
"Hindi mangyayari kung ano man ang iniisip mo. Hindi ako magiging isang ganap na diyablo. Hahanap ako ng paraan para baguhin ang kapalaran ko." desperado kong pahayag. "P-Pakiusap, kailangan ko ng kapangyarihan para magawa iyon." puno nang pagmamakaawang sabi ko.
Ilang segundo kaming napuno nang katahimikan. Mukhang nagiisip s’ya sa ibinigay kong kondisyon.
"Sigurado ka na ba binibini?" bulong na tanong ni Greer. Tumango naman ako bilang sagot sa kanya.
"Kung ganun ay humanda ka..." seryosong pahayag ni Beelzebub. "Anak ni Azazel!" Dumagundong sa loob ng kwarto ang boses n’ya.
Parang may kabayong malakas na sumipa sa puso ko na dahilan para biglang uminit ang katawan ko. Naalala ko na, ang pangalang iyon ang laging nagti-trigger sa diyablong nasa loob ko para magising ito.
"A-Ayos ka lang ba binibini?" tanong ni Greer nang mabitawan ko s’ya.
Napaluhod ako ng maramdaman ang panghihina ng mga tuhod ko.
"N-Naging dilaw ang iyong mga mata!" puno nang pagkagulat na pahayag ni Greer.
"Aahhhhh!" sigaw ko ng maramdamang parang napapaso ang buo kung katawan.
"Kontrolin mo ang kapangyarihang kumakawala sa'yo. Kailangan mong masanay sa pakiramdam sa iyan." saad ni Beelzebub na parang nagi-echo lang ang boses n’ya sa pandinig ko.
Unti-unti ng nanlalabo ang paningin ko. Mukhang kinakain na nang matinding pwersa ng kapangyarihan ang kamalayan ko. Katulad ng sinabi ni Beelzebub ay kailangan ko itong kontrolin. Alam kong masakit at nakakapagod pero kailangan ko itong makontrol. Dahan dahan akong tumayo mula sa pagkakaluhod saka pumikit. Ni-relax ko ang sarili ko habang sa unti unti nang kumakalma ang katawan ko.
"Magaling!" papuri ni Beelzebub. "Tandaan mo ang pangalang iyon. Ibulong mo kapag nalagay sa ka sitwasyong kailangan mong gamitin ang kapangyarihan." dagdag pa n’ya.
'Azazel'